Biyernes, Setyembre 5, 2014

                                             
    Ganado ang  mga  likers , friends at mangilan-ngilang haters ko sa FB na magcomment at magparamdam.Nagamit ko na naman siguro ang mga attribute ni Joey De Leon.Bigyan  ng twist ang kwento at lagyan ng humor ang mga bagay-bagay kahit seryoso ka.The  real story is di lang pang GILAS ang #haircutchallenge na to.Parang Ice Bucket Challenge ginawa ko lang in at dahil sikat ang dating OCTOTHORPE or  HASHTAG na GILAS,PUSO at LABANPILIPINAS.Kasama  sa hangarin ko ko ay pumukaw ng attention para tulungan at suportahan natin ang may mga sakit na #CANCER..


    Isa sa napapansin ko nung may trabaho pa ako ay marami-rami ang  natutuwa ,nagtatanong at syempre mas maraming naiinis o tumataas ang kilay sa buhok ko.Parang LGBT naupset  ako  na sterotype kapag long hair ang lalaki.Ilang beses na rin ngang pumasok sa isip ko na magapply at magpanggap na bakla para di tanungin ang buhok ko.Accepted na kasi ng society natin ang ganung tanawin.Original na storya at pwedeng gawing plot sa pelikula di ba? Kahit boss ko dati ayaw ng buhok ko.Kaya nung tinananong ako sinabi ko na lang na personal decision.Wala naman kasi sustansya sa pagkatao ko kung sasabihin ko na: Anong paki mo sa Long Hair Ko? Mangilan-ngilan lang ang nasabihan ko sa opisina dati bakit ako nagpahaba ng buhok.Kahit nung lumipat ako ng team  ito ang una kong tinanong kung pwede ba ang long hair sa team nyo dahil kung hindi stay put ako.Nasabi ko ata ang ilang laman ng  ginagawa kong blog 'Ang Diary ng Long Hair'.



     Lahat tayo ay may papel para makatulong sa abot ng atin makakaya.Naisipan kong ipagpatuloy na magpahaba ng buhok dahil naantig ang puso ko nung mabasa  at mapanood ko kung paano naghihirap at malagas ang ang buhok ng ng may sakit na cancer.Well may magsasabi siguro na magdonate na lang ng pera.Subalit minsan may bagay na na mas mainam kapag  di  involve ang pera,mas madaling sumuweldo kaysa magpahaba ng buhok.Dahil siguro na rin  sa  isang parte ng buhay ko ay halos naubos ang buhok ko,muntik nang mapanot at  akala ko ay may kanser na ako.Laking tuwa ko at bumalik ,nakuha l ata sa Head & Shoulder. Napanood  ko ito sa  700 Club Asia at nabasa sa website na donateyourhair.org ang buhok ay ginagawang Medical WIG .Simpleng adhikain subalit  may PUSONG proyekto.Maraming di nasisiyahan kapag natatalo ang GILAS lalo na sa Moral Victory na tinatawag.Subalit sa mga taong may karamdaman katulad nila mahalaga ang Moral  Victory.Dito malalaman at maiintindihan natin kung paano nawalan ng kumpyansa ang mga bata at mga kababaihan na sa tuwing gigising sa umaga ay unti unting  nalalagas  ang buhok nila dahil sa pagsalang sa chemo theraphy.

 
 

    Ang UP Cancer Institute director Dr. Jorge Ignacio natuwa sa proyektong ito, kanyang sinabi na nabu-boost ang morale at  self-esteem ng mga pasyenteng may cancer lalo na ang mga kababaihan na nakakadanas ng matinding pagkalagas ng buhok.When patients feel nice about themselves, they tend to tolerate the treatment well. So if they can somehow maintain a nice feeling about themselves, the beauty is not lost, it gives them a feeling that ‘I can do this, I can go through chemotherapy although it is difficult,’” Ignacio said.

 
    Sa aking pananaw  nasa WIN-WIN na stage ako.Nakatulong na ako pwede na ulit ako mag-apply ng trabaho na boring na rin ako.Sa lahat ng nag comment at nag like lalo na sa taga Accenture Phils, challenge ko kayong ay tumulong tayo sa Run for the Warriors 2K14.Doon siguro kung may pagkakataon na makita nyo ng pers0nal  na nagpagupit na ako at magkamustahan .Ito ay gaganapin sa  Sept 21(uh...Martial Law) 4:30am ,Venice  Piazza sa McKinley Hill..Kung nasa ibang bansa po kayo ay pwedeng  bilhan nyo na lang tiket yung kamaganak o kaibigan nyo sa Pinas para makapag participate.Isa itong proyekto para sa may sakit na cancer.Di natin masasabi kung isa sa atin ay dapuan ng sakit na to. Wala akong kaugnayan sa mga namamahala nito katulad nyo isang ordinaryong mamayan lang tayo na may puso at gustong makatulong.Kung nagawa nating magsama sama sa basketball team natin kaya din nating magsama para makatulong sa mga nangangailangan. Ang pagtulong sa kapwa natin ang tunay na GILAS, PUSO at LABANPILIPINAS.




GOODREADS

http://www.philcancer.org.ph/

http://donateyourhair.org/
https://www.facebook.com/DonateYourHairorg?fref=photo

 http://www.cancerwarriorsfoundation.org/
https://www.facebook.com/cancerwarriorsfoundation

Run for the Warriors 2K14.
Sept 21,20014,4:30am
Venice Piazza,McKinley Hill ,